MOVIE PARA SA MALANDI MONG KAIBIGAN

Baka may tropa kang gusto mong matauhan? O kaya naman, sampalin ng katotohanan?



'Yun bang tipong, di na sila mag sswipe left and right ulit...

(ref: https://www.google.com/search?q=omegle&hl=en&biw=360&bih=630&tbm=isch&prmd=nvi&sxsrf=ACYBGNQmzkgXoiB6Z562h7Rz5MKaxiZ5DQ:1573192876620&source=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwiOycuU-NnlAhUVIIgKHXxLBPUQ_AUIFSgD#imgrc=hS5_gsRTjoOxfM&imgdii=YBxBm2a8w4WFvM
ref: https://www.google.com/search?q=one+night+stand&client=ms-android-oppo&prmd=vin&sxsrf=ACYBGNT6m_tylak_IjDC7HsM5eJRjQZRXQ:1573193101358&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiAqeD_-NnlAhWDP3AKHeqzDNoQ_AUoAnoECA8QAg&biw=360&bih=630#imgrc=gO8RBdkIKBJh8M )

Pwes, itong movie na 'to ang para sa kanila.

Mga rason kung bakit dapat mapanuod ng MALALANDI ang "The Art of Ligaw"

Pero bago ko muna sabihin, explain ko muna. Ang The Art of Ligaw ay KAUNA-UNAHANG MOVIE ni Ms. KZ Tandingan. YES! UNA! Kasama niya dito si Mr. Epy Quizon. (na napakagwapo nakakaloka) Wag ka mag alala, di ko is-spoil. Basically, as you can see from the title, tungkol lang siya sa panliligaw. Pero solid to, kasi dito mo malalaman kung GAANO NGA BA KA-IMPORTANTE ang panliligaw...



Sa panahon natin ngayon, kadalasan, swipe left, swipe right. Hello sa Omegle "F, 18, Manila" then meet up tas beng! yun na yon. Pero minsan ba naisip natin, kung ano ang feeling ng nanliligaw at nililigawan? well, kung gusto mo malaman, panuorin mo yung movie na 'to.


Bakit nga ba kailangang panuorin ng malalandi itong movie na 'to?

1.) Dito mo malalaman kung paano ang totoong panliligaw. Marami namang paraan, pero alin ba talaga yung gagana?

2.) Baka dito mo rin matutunan ang tamang pag-ibig kapatid. Kung nasanay kang puro landi lang, ihanda mo buong pagkatao mo, malamang dito ka madadagukan.

3.) Dito mo malalaman kung gaano kahirap ligawan ang mga tunay na seryosong babae. Hindi talaga basta basta, kaya kung nagbabalak ka, humanda ka.

4.) Hanggang kailan ka nga ba tatagal sa panliligaw? Gaano ka ba ka seryoso? Gaano mo kagusto mapasagot yung tao?


Para naman sa review, 10/10 ito para sa'kin.

1.) Grabe si KZ Tandingan! FIRST TIMER BA YON?! E bakit parang may movie na siya dati? NAPAKAGALING MAGDALA NG ROLE! Lahat ng banat niya, bentang benta. Sobrang natural!

2.) Siz, ang gwapo ni Epy! KAHIT AKO KINIKILIG HAHAHAHA Kayang kaya gampanan yung binigay sa kanyang role, WALANG KUPAS!

3.) May CHEMISTRY SILA. Lahat kami napatili! Hindi kayo bibiguin, walang dull moments! Ang daming unexpected parts na talagang nakapagpa-bongga sa buong movie.

4.) Grabe yung story line, hindi ka mab-bored. ang ganda ng point of view, ng pagkakasunod sunod ng eksena, walang scene na mapapatanong ka.

5.) Yung movie, hindi lang naka focus sa ligawan, sa romantic eme, pati family, friends, career, pati mga pangarap. Mga issue na dapat pagtuunan ng pansin sa panahon ngayon, talagang nabigyan ng hustisya.

6.) Maa-appreciate mo ang sarap ng durian. Maiintindihan mo ang ganda ng weird na mga bagay.

7.) Maiintindihan mo dito ang dalawang ibig sabihin ng ligaw. (courtship and being lost)

ALL IN ALL, WELL RECOMMENDED MGA DZAI! Sobrang magugustuhan to ng mga matitinong tao, at talagang yayayain niyo yung Maharot niyong kaibigan kase talaga namang dadagukan at matatauhan kayo! KUDOS TO THE WHOLE TEAM OF THE ART OF LIGAW!!!!

Congratulations, Ms. KZ Tandingan, Mr. Epy Quizon, to the WHOLE TEAM. and ofcourse, to Direk Jourdan Sebastian.

SHOWING NA TO NATIONWIDE. NOVEMBER 13, 2019!

#TheArtOfLigaw #ArtOfLigaw

Comments